May paparating na bagong karakter sa nangungunang primetime series na The Master Cutter, at ito ay walang iba kundi ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
“Isa siyang bungangerang babae,” natatawang sabi ni Jennylyn. “Ano siya nag-struggle sa buhay pero may malaking puso. May mga ilan-ilang action scenes pero medyo nakakatawa.”
Ipinarating din ng aktres ang excitement na muling makaeksena si Dingdong Dantes, na huling niyang nakatrabaho sa Philippine adaptation ng hit K-drama series na Descendants of the Sun noong 2020.

