MATINDI ang mga paratang ni Anjo Yllana kay Sen. Tito Sotto at sa ilang mga dati niyang kasamahan sa longest-running noontime show sa mundo na “Eat Bulaga.”
Ilang beses nag-live sa Facebook ang dating Dabarkads at dito nga niya binasag nang bonggang-bongga si Tito Sen kasabay ng ilang malilisyosong paratang sa dating kinabibilangang noontime program.
Sa isang video, hinamon ni Anjo si Senate President Tito Sotto na ilantad ang mga resibo na magpapatunay na ibinibigay talaga nito ang lahat ng kanyang suweldo sa mga scholar tulad ng pangako niya noong panahon ng midterm elections campaign.

