Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na muling pamumunuan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang makapangyarihang Senate blue ribbon committee, ilang linggo matapos niya itong bitawan.
Ayon kay Sotto, napagdesisyunan ni Lacson na bumalik bilang chairperson ng naturang komite matapos ang panawagan ng ilang senador at ng publiko.
“It has come to his attention [tungkol] clamor of some of our colleagues and the public that he retake the [committee],” ani Sotto.
Nagbitiw si Lacson noong Oktubre 6 dahil sa hindi umano nasisiyahan ang ilang senador sa direksyon ng imbestigasyon ng komite tungkol sa mga anomalya sa flood control projects.

