Patuloy na iniimbestigahan ng Ombudsman ang kaso nina Sens. Joel Villanueva at Chiz Escudero kaugnay ng umano’y kickback sa flood control anomaly.
Ito ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa gitna ng alegasyon na pinupuntirya lamang ng kanyang tanggapan ang mga kasong kinasasangkutan ng minorya sa Senado.
Si Villanueva ay isinangkot ni dating Bulacan First District engineer Henry Alcantara na umano’y tumanggap ng P150 milyon mula sa P600-milyong multi-purpose building project sa Bulacan. Si Escudero naman ay sinasabing nakinabang din sa kickback mula sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno. Mariing itinanggi ng dalawang senador ang mga akusasyon.

