Success ang prank ni Mika Salamanca sa kapwa Sparkle actor na si Will Ashley nang sorpresahin ito ng 24-hour trip sa Vietnam.
Sa pagsisimula ng vlog ni Mika, kitang-kita ang kaba ni Will dahil ang buong akala niya ay haunted house ang pupuntahan nila ng aktres. Pinagdala rin siya ni Mika ng passport bilang valid ID sa pupuntahan nilang atraksyon.
Habang bumabyahe ay pilit na isinikreto ni Mika kay Will ang sorpresang trip sa Vietnam. Hanggang sa magduda na ang aktor nang mapansing papunta sila sa airport. Dito na ipinagtapat ni Mika kay Will na “it’s a prank,” at ni-reveal ang 24-hour trip nila sa Ho Chi Minh, Vietnam.

