May bagong adventure si Miguel Tanfelix sa Planet XP kung saan ibabahagi niya ang isang hidden gem ng San Jose, Tarlac.
Sa episode ngayong July 18, makakasama ni Miguel ang grupo ng mga local mountaineers sa isang Mt. Ngile adventure. Ituturo sa kaniya ng Tarlac Mountaineering Club ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa mga bundok at mountain climbing activities na matatagpuan sa kanilang probinsya.
Sa segment na “Huwaw,” mapapanood ang ilan sa mga tourist destinations sa Tarlac, kabilang ang Monasterio de Tarlac. Tampok dito ang komunidad ng mga pari na nagsusulong ng reforestation sa pamamagitan ng farming activities. Ipapakita rin ang 200-foot-tall Anzap Twin Falls na pinakamataas sa rehiyon.

