LPA sa labas ng bansa naging bagyo na, inaasahang papasok ng PAR sa weekend – Pagasa

LPA sa labas ng bansa naging bagyo na, inaasahang papasok ng PAR sa weekend – Pagasa

NAGING bagyo na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na weather bulletin kaninang ala-5 ng umaga, June 19, namataan ang bagyo sa distansyang 2,085 kilometers silangan ng Eastern Visayas.

photo 2026 06 19 17 44 04 1

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong umaabot sa 70 kilometro kada oras at nararamdaman sa lawak na 280 kilometro mula sa gitna.

editor

Related Articles

Leave a Reply