Tiniyak ng Office of the Ombudsman na malapit nang masampahan ng kasong plunder si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y iregularidad sa pambansang budget.
“We’re very close to filing the plunder charges, but we still have to cross the t’s and dot the i’s. Ganoon na kalapit ‘yan. I deliberately didn’t talk about that, pero the cases are just about ready for preliminary investigation,” wika ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Inamin ni Remulla na mahirap kalabanin ang mga de-kalibreng abogado at malalaking pondo, ngunit iginiit niyang nakalap na ng mga imbestigador ang sapat na ebidensiya upang matiyak na credible ang kaso.

