Bago pa man magsimula ang KALURKS!, marami na raw pinagsamahan ang hosts nito na sina DJ Jhai Ho, Ashley Rivera, at Baus Rufo, na makikilala bilang Kalurker trio.
Ang KALURKS! ang pinakabagong live entertainment talk show sa GTV. Ito ang one-stop source para sa trending topics, hottest stories, at viral moments, mula sa showbiz, pop culture, social media hanggang sports, politics, at current events sa nagdaang linggo.
“Syempre aabangan natin ang mga mainit-init at mga juicy na tsismis,” ani ng aktres. “Every Sunday, may weekly recap tayo ng mga magaganap. Kami ang mauuna sa mga balita, mga nangyari sa social media, sa politika, sa kalsada, sa lahat. Uusisahin, walang palilipasing tsismis.”

