Nananatiling single pa rin sa ngayon si Kyline Alcantara, at sinabing hindi na niya masyadong isasapubliko ang susunod niyang lovelife.
Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News na ipinalabas sa “24 Oras” nitong Biyernes, ibinahagi ng Sparkle star na nasa proseso pa siya ng “self-improving.”
“I’m self-improving pa,” saad ni Kyline. “Oo. Doon muna tayo. ‘Wag muna, Lord. When I love, I really love a person ’cause I feel like I have too much love to give. So, I just keep on giving and giving and giving, so ako na muna. Sa akin muna lahat.”

